Binigyan ng National Water Resources Board ng karagdagang alokasyon ng tubig ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System.
Ito’y matapos aprubahan ang 2 cubic meters per second (m3/s) na karagdagang alokasyon para sa 50 m3/s na mas mataas kaysa sa regular na 48 m3/s.
Ginawa ito ng NWRB upang mabawasan ang water interruption at pagtiyak na mayroong sapat na tubig sa paparating na El Niño phenomenon.
Ang pag-apruba sa naturang water allocation ay bahagi ng water management strategy ng NWRB upang mapanatili ang sapat na water level ng Angat dam sakaling magpatuloy pa rin ang El Niño.
Umaapela sa publiko ang NWRB na magtipid sa paggamit ng tubig at inirerekomenda ang pag-
recycle ng tubig tulad ng pag-ipon ng tubig-ulan. | ulat ni Rey Ferrer