Muling nanawagan ng pagkakaisa ang Office of the Civil Defense o OCD para sa whole-of-nation approach sa pagtataguyod ng disaster resilience sa bansa.
Ito ang mensahe ng OCD na siyang nangunguna para sa pagbubukas ng National Disaster Resilience Month ngayong Hulyo.
Ayon kay OCD at National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC Executive Director, USec. Ariel Nepomuceno, kailangang maikintal sa isip ng bawat Pilipino ang pagiging handa sa anumang kalamidad.
May temang “BIDAng Pilipino: Building a stronger Filipino wellbeing towards disaster resilience,” tiniyak ng OCD ang pagtataguyod sa isang ligtas na komunidad mula sa sakuna at pagbangon muli sa epektong dulot nito.
Samantala, iba’t ibang aktibidad ang kanilang inilunsad kaugnay ng okasyon tulad ng Resilience Mobile Photography at Reel-silience na humihikayat na magpakalat ng impormasyon, edukasyon, at komunikasyon. | ulat ni Jaymark Dagala