Namahagi ng tulong pinansya ang Office of the Vice (OVP) President katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga biktima ng pag-alburoto ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Vice President Sara Dutere, nasa 408 families ang nabiyayaan ng naturang tulong mula sa DSWD kung saan makakatangap ang mga ito ng nasa mahigit ₱24,000 ang bawat pamilya at personal umanong iniabot ito sa mga bakwit sa Daraga, Sto. Domingo, Camalig at Tabaco.
Sa naturang bilang umabot sa mahigit 10 milyong piso ang kabuuang halaga ng tulong ang naibahagi ng OVP at DSWD sa naturang mga pamilya.
Nagpasalamat naman si Vice President Sara Duterte sa patuloy na pag-agapay ng DSWD sa pangunguna ni Secretary Rex Gatchailan sa pagbibigay ng pondo sa nasabing mga pamilya. | ulat ni AJ Ignacio