Operasyon ng NAIA, balik na sa normal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Balik na sa normal ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos ibaba ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang Yellow Lightning Alert kaninang 1:52 PM.

Bandang 1:38 PM kanina ng pansamantalang sinuspinde ng MIAA ang operasyon ng paliparan.

Ito ay matapos na itaas ang Red Lightning Alert dulot ng pag-ulan, na may kasamang pagkulog at pagkidlat.

Ayon sa MIAA, layon nitong mapag-ingat ang mga pasahero at mga tauhan ng paliparan sa peligrong dulot ng masamang panahon. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us