Papalawigin ng National Power Corporation (NAPOCOR) Jolo Diesel Power Plant (JDPP) ang operasyon nito sa malayong bayan ng Luuk, na matatagpuan sa ikalawang distrito ng Sulu.
Ayon kay Engr. Joseph Cabaccang, Plant Superintendent ng NAPOCOR JDPP, inaasahan masisimulan na ang operasyon ng kanilang planta sa barangay Tanduh Bato sa susunod na buwan ng Agosto matapos sila makahiram ng 100 kilowatt na dalawang makina mula sa Tawi-Tawi Electric Cooperative bilang bahagi ng kanilang expansion program.
Unti-unti na aniya nailipat sa solar ang pinagkukunan ng suplay ng enerhiya ng naturang lalawigan dahil hindi naman kalakasan ang demand nito sa kuryente.
Habang, patuloy naman ani pa Cabaccang ang aktibidad ng Sulu Electric Cooperative (SULECO) sa Luuk sa pamamagitan ng pagkakabit ng linya ng kuryente at iba pang kailangang gawin para sa electrification project sa naturang bayan katuwang ang lokal na pamahalaan.
Matatandaan, nauna nang nakabitan ng kuryente ang naturang bayan na kinalaunan ay napilitan tanggalin ng SULECO dulot ng problema sa pagkolekta ng bayarin.
Samantala, abala din ang NAPOCOR JDPP sa pagpapatupad ng mga hakbang upang mailipat ang ilan sa mga kagamitan sa kanilang planta sa Anuling, Patikul.| ulat ni Mira Sigaring| RP1 Jolo