P2-M halaga ng iligal na droga, nakuha sa isang buy-busy operation sa Pangasinan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa mahigit P2-million halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad mula sa isang high value individual (HVI) target na nahuli sa ikinasang buy-bust operation sa bayan ng Lingayen kaninang madaling araw.

Ayon sa impormasyon mula sa Pangasinan Police Provincial Office, nakilala ang naarestong suspek na si Jonathan Dela Rosa Martin, 36 na taong gulang at residente ng Camiling, Tarlac.

Nahuli ang suspek sa operasyong isinagawa ng PDEU Pangasinan PPO, PIU, at ng Lingayen Police Station kaninang 3:10 ng madaling araw sa Solis St., Barangay Poblacion, sa nasabing bayan.

Nakuha mula sa kustodiya nito ang anim na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may bigat na 300 grams at halagang aabot sa P2,040,000.

Nabawi rin mula sa pag-iingat nito ang P500 bill na ginamit bilang dust-money sa pagsasagawa ng operasyon.

Si Martin, na itinuturing bilang high value individual (HVI) target, ay dati na ring nahuli dahil sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga noong 2014 at nito lamang April 2023.

Sa ngayon, ang suspek ay nasa kustodiya ng Lingayen Police Station habang inihahanda na ang mga kaukulang kasong isasampa laban dito. | ulat ni Ruel de Guzman | RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us