Nasa 1,034 kilos ng frozen meat products ang nasamsam ng Department of Agriculture (DA) sa isinagawang joint operation sa Pasay City kamakailan.
Kasama ang National Meat Inspection Service (NMIS), Philippine Coast Guard (PCG) at Pasay City LGU, sinalakay ang tatlong business establishment at nakuha ang mga smuggled frozen Peking ducks, black chickens, kalapati at iba pang meat products.
Batay sa ulat ng NMIS,abot sa Php 2 milyon ang halaga ng smuggled meat products na nagmula sa China .
Ang pinakahuling raid ay bahagi ng pagsisikap ng Departamento na pigilan ang agricultural smuggling sa Pilipinas sa ilalim ng direktiba ng Pangulo at Kalihim ng Agrikultura Ferdinand R. Marcos Jr.| ulat ni Rey Ferrer