Pag-alis sa state of public health emergency, ‘perfect timing’ ayon kay speaker Romualdez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome para kay House Speaker Martin Romualdez ang desisyon ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na alisin na ang State of Public Health Emergency.

Ayon sa House leader, napapanahon ang hakbang na ito dahil ito rin naman ang direksyon ng ibang mga bansa.

Mayroon na rin naman aniya tayong sapat na impormasyon, suplay ng bakuna at gamot gayundin ang health care para tugunan ang posibleng outbreak.

Dagdag pa ni Romualdez na mas ipinapakita at ipinararating lamang din nito sa buong mundo na bukas na bukas na ang ekonomiya ng Pilipinas at handa na sa pakikipag-transaksyon.

“It’s timely nga po kasi nakita mo naman sa buong mundo yan naman ang direksyon. Ayan naman ang trend. At sa totoo lang naman we have now adequate information, medical support, and health care to provide for any potential or future outbreaks so. Tuwang tuwa po kami na yan ang nangyayari. Nakita na ng buong mundo, fully open na ang ating ekonomiya, ang ating bansa dito, so that transacting business with the international concerns will be facilitated, the ingress and egress and travel ay ma-fafacilitate na para umusbong yung turismo diba?” ani Romualdez.

Kasabay nito ay pinuri rin ng House Speaker ang health care workers at mga ahensya ng gobyerno na tumulong sa pagtugon sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Pinasalamatan din nito ang bawat Pilipino sa kanilang kooperasyon at disiplina sa mga ipinatupad na restrictions at vaccination program ng pamahalaan.

“Nagpapasalamat din po tayo sa lahat ng mga health workers, sa Department of Health, yung buong kooperasyon, well the whole of government approach dito, talaga tumulong dito at saka yung kooperasyon ng mamamayan…nakita po natin with the assistance of other countries in terms of the provisions sa supply ng vaccines at…lahat ng cooperation dito , sumunod dito sa vaccination program, kung baga, na-manage natin itong COVID.” dagdag ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us