Suportado ng Department of Energy (DOE) ang isinusulong na pag-amyenda sa Republic Act 9136 o ang Electric Power Industry Reform Act of 2001 o EPIRA.
Ito ay para bigyan ng ibayo pang kapangyarihan ang Energy Regulatory Commission (ERC), para sa mga power distributor na hindi susunod sa mga itinakdang panuntunan.
Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, nakatutok sila ngayon sa iba’t ibang aspeto hinggil sa pag-amyenda tulad na lamang ng mga repormang kinakailangan ng ERC.
Layunin nito ani Lotilla, na mapag-ibayo pa ng mga distribution utility ang kanilang performance lalong lalo na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Maliban sa ERC, nais din ni Lotilla na bigyan ng ibayong kapangyarihan ang Philippine Competition Commission sa sektor ng Enerhiya upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga gumagamit ng kuryente.
Dagdag pa ni Lotilla, nais ding matulungan ng amyendang ito na matugunan ng Administrasyong Marcos Jr. ang problema ng pasweldo sa mga tuahan ng ERC. | ulat ni Jayamark Dagala