Pag-deactivate ng mga non-registered SIM, imo-monitor ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na babantayang maigi ng Senado ang automatic deactivation ng mga hindi maipaparehistrong Subscriber Identity Module (SIM), pagkatapos ng deadline ng SIM registration sa July 25.

Ayon kay Villanueva, ang pag-monitor ng mga non-registered SIM ay makakatulong sa pagtugon sa pagbabawas o tuluyang pagsugpo ng mga scam at iba pang cyber-related crimes.

Kasabay nito, nanawagan ang senador sa National Telecommunications Commission (NTC), Philippine National Police (PNP), at iba pang kinauukulang ahensya at pribadong sector, na paigtingin ang information campaign tungkol sa iba’t ibang modus ng mga kriminal para makakuha ng pera.

Ikokonsidera rin aniya ng mambabatas ang pagrepaso sa mga umiiral na batas kabilang ang Cybercrime Prevention act, para matukoy kung paanong mapapalakas ang mga batas kontra sa mga online scam. Kaugnay nito, inihain ni Villanueva ang Senate Resolution 641, na layong imbestigahan ang mga hindi otorisado at hindi rehistradong inline lending platform na nangha-harass ng mga nangungutang sa pamamagitan ng mapang-abusong collection schemes. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us