Pagbaba ng hydropower, ‘di makakaapekto sa suplay ng kuryente — DOE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Energy (DOE), na hindi makakaapekto sa suplay ng kuryente sa bansa ang pagbaba sa lebel ng tubig sa ilang pangunahing dam sa Luzon.

Ito ang inihayag ni Energy Undersecretary Rowena Guevarra, kasunod ng inilabas na forecast ng PAGASA na inaasahang bababa mula 50 hanggang 70% ang maisusuplay na kuryente ng mga hydropower plant.

Mahigpit aniya nilang binabantayan ang ibang hydroelectric plants, partikular na sa Angat, Kalayaan, Magat at San Roque na pawang nakakabit lahat sa mga dam.

Una nang sinabi ni Guevarra, na asahan nang magkakaroon ng Yellow alert sa mga buwan ng Hulyo at Agosto, subalit hindi aniya ito nangangahulugan na kakapusin ang suplay ng kuryente.

Dagdag pa ng opisyal, may tatlong transmission project silang inaasahang makatutulong na mapatatag pang lalo ang suplay ng kuryente sa bansa tulad ng Hermosa-San Jose, Cebu-Negros-Panay Project 3, at Mindanao Visayas Interconnection. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us