Pagbabawal ng paninigarilyo sa loob ng mga pampublikong sasakyan, ipinaalala ng LTFRB

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling ipinaalala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mahigpit na pagbabawal ng paninigarilyo sa loob ng pampublikong transportasyon.

Maging ang paggamit ng e-cigarette ay hindi rin pinapayagan ng LTFRB.

Muling naghigpit ang LTFRB, alinsunod sa umiiral na batas na Republic Act No. 9211 o ang Tobacco Regulation Act of 2003.

Bukod pa dito, ang LTFRB Memorandum Circular 2009-036 na nag-uutos sa mga operator at drayber na magpaskil ng karatula na “No Smoking” sa mga terminal at sa loob ng kanilang mga sasakyan.

Sinuman ang lumabag sa nasabing batas ay may katapat na multa at maharap sa karampatang parusa.

Base naman sa sumbong ng maraming pasahero, mismong mga drayber ang hindi sumusunod sa kautusan ng LTFRB. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us