Pagbabayad ng buwanang amortisasyon sa NHA, mas pinadali na

Facebook
Twitter
LinkedIn

May ibang paraan na ng pagbabayad ng buwanang amortisasyon ang mga benepisyaryo ng National Housing Authority (NHA).

Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, maaari na ring magbayad ang mga benepisyaryo sa pamamagitan ng online applications katulad ng Maya, Green Apple, at Link.BizPortal.

Kailangan lamang i-download ang apps tulad ng Maya mobile application at gumawa ng sariling account at makapagbabayad na gamit ang Beneficiaries Identification Number o BIN.

Bukod pa rito, matatanggap din ang mga abiso sa pagsingil at resibo ng binayad sa pamamagitan ng email o ng SMS.

Mula noong Marso 2023, nagagamit na rin ng mga benepisyaryo ang serbisyo ng Green Apple Technologies and Systems, Inc. sa pagbabayad ng buwanang amortisasyon gayundin sa mobile app ng Landbank o website nito. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us