Pagbibigay-diin ni Pangulong Marcos Jr. sa pagtugon sa climate change, ikinagalak ni Senator Loren Legarda

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagpasalamat ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang pagkilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isyu ng climate change bilang isang priority gaya ng nabanggit nito sa kanyang State of the Nation Address (SONA).

Ikinagalak rin ni Legarda ang pagbibigay diin nito sa circular economy, blue economy, single-use plastics, Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), at livelihood at social services support.

Iginiit ng senador, na ang circular economy at blue economy ay mahalagang component sa laban kontra climate change dahil ito ang gagabay sa bansa sa maayos na pagtugon sa isyung climate change.

Umaasa ang mambabatas, na ang mga prayoridad na ito ay maisasalin sa matapang at komprehensibong aksyon.

Binigyang diin ni Legarda, na mahalaga ang pagtutulungan at kolaborasyon sa pagtugon sa mga kritikal na isyung ito upang makamit ang mas maganda at sustainable na hinaharap para sa lahat. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us