Kinuwestyon ng Commission on Audit ang nasa ₱7.28 milyong halaga ng cash incentives sa mga empleyado ng Tourism Promotions Board dahil sa umano’y kawalan ng supporting documents.
Batay sa annual audit report ng ahensya, sinabi ng COA na nakapaloob ang nasabing insentibo sa ilalim ng Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) kung saan kulang ang mga supporting documents na isinumite tulad ng detailed outstanding/excellent performances, suggestions, inventions, and innovations sa bawat resibo.
Bilang tugon sa naging COA findings, sinabi ng TPB na aprubado ng Civil Service Commission ang PRAISE Awards kung saan ang mga ganitong programa ay pinapahintulutan ang pagbibigay ng rewards, incentives, o recognition sa “Performance Type Contribution” kung saan kabilang ang “individual, group, o corporate performance”.
Gayunpaman, nakatipid umano ang TPB ng ₱131.5 milyon mula sa overall performance nito noong 2022.
Sa ngayon ay wala pang tugon ang Department of Tourism hinggil dito. | ulat ni Gab Humilde Villegas