Hindi nagustuhan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang akusasyon na kumakalat sa social media na umanoy kinopya lamang ang bago nitong logo.
Sa isang statement, pinasinungalingan ng PAGCOR na ginawa umano ang logo ng website ng Tripper.
Itinuturing nila na malisyoso ang ganitong uri ng paratang lalo pa at pinapanatili nila ang mataas na uri ng integridad, transparency, at accountability.
Iniimbestigahan na ng PAGCOR ang akusasyong ito kasabay ng babala sa publiko na huwag agad maniniwala sa mga naglalabasan sa social media.
Matatandaan umano na kaliwa’t-kanang batikos sa netizen ang bagong logo ng PAGCOR na umanoy ginastusan ng halos tatlong milyong piso. | ulat ni Michael Rogas