Naging maayos ang pagdaraos ng isinagawang plebisito sa bayan ng Carmona, Cavite ayon sa National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL).
Sa ekslusibong panayam ng Radyo Pilipinas kay NAMFREL Chairperson Lito Averia, sinabi nito na maagang naghanda ang mga miyembro ng Plebiscite Commitee kung saan alas-4 pa lamang ng madaling araw ay naghahanda na para sa pagbubukas ng mga presinto.
Napansin rin ng NAMFREL na nagbukas ang mga presinto sa tamang oras at maayos ang naging voting process sa mga presinto.
Wala ring naitala ang NAMFREL na anumang insidente sa plebisito ngayong araw.
Batay sa kanilang projection, aabot sa higit limampung porsyento ang magiging voter turnout para sa nasabing plebisito.| ulat ni Gab Humilde Villegas