Upang maibsan ang epekto ng El Niño sa agrikultura, ilang hakbang ang inilatag ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee.
Una aniya dito ang paggamit ng drought resistant seeds at pagbabago sa cropping season.
Sa pamamagitan nito maaaring magtanim ang mga magsasaka ng mga pananim na hindi kailangan ng masyadong tubig.
Nakikipag-ugnayan din aniya sila sa Department of Agriculture para sa pagsasagawa ng cloud seeding sa mga lugar na nakakaranas na ng kawalan ng ulan.
Nakipag usap na rin aniya sila sa National Irrigation Authority, para mapagana ang mga patubig gayundin linisin ang mga irigasyon na nagkaroon na ng bara. | ulat ni Kathleen Forbes