Kung si Senador Sherwin Gatchalian ang tatanungin, hindi tama ang ginawa ng Philippine Coast Guard (PCG) na bumili ng luxury vehicle gamit ang rebate sa isang oil company.
Sa report kasi ng Commission on Audit (COA), lumalabas na aabot sa P5 million ang biniling luxury car ng PCG at pina-bullet proof pa na nagkakahalaga ng P2.8 million.
Ayon kay Gatchalian, mas masama kung rebate ang ginamit sa pagbili ng luxury vehicle dahil ang perang pinangbili ng gas ng PCG ay pera ng bayan.
Kaya naman ang rebate na makokolekta mula dito ay dapat ibalik rin sa National Treasury at hindi mananatili sa ahensya.
Dagdag pa ng senador, kahit isang commodore ang bumili ng luxury vehicle ay hindi pa rin ito katanggap-tanggap dahil may engine displacement ang bawat government post,0 at hindi pwedeng lumagpas dito. | ulat ni Nimfa Asuncion