Paghahanda ng MMDA sa SONA sa Lunes, all set na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasado na ang lahat ng paghahanda ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Lunes.

Sa ulat ng MMDA, Aabot sa 1,354 tauhan nito ang itatalaga sa iba’t ibang lugar para tumulong sa pagsasaayos ng trapiko, emergency response, crowd control, at traffic monitoring.

Kasama na ring imomonitor ng MMDA ang isasagawang transport strike ng ilang jeepney.

Sa bahagi ng Commomwealth Avenue, magpapadala rin ang MMDA ng ambulansya, tow trucks, mobile patrol units, at motorcycle units.

Ngayon pa lang, inaabisuhan na ang mga motorista na iwasan ang Commonwealth Avenue at gamitin ang mga alternatibong ruta.

Samantala, pinulong na rin kanina ng Road Emergency Group ang mga personnel na ide-deploy sa SONA.

Bukod dito, inihanda naman ng Flood Control and Sewerage Management Office ang kanilang flood mitigation equipment. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us