Pagkakalagda sa Maharlika Law, makatutulong na makamit ang long-term development goals ng bansa – NEDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagkakalagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Maharlika Investment Fund Act of 2023.

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, makatutulong ito sa mga kasalukuyang investment platform ng bansa at masusuportahan ang mga gastusin sa mga flagship infrastructure project ng pamahalaan.

Ani Balisacan, makatutulong din ang MIF na makahikayat pa ng mga investor para madagdagan ang inisyal na kapital nito na P125 bilyon at ang target na maabot ang maximum capital stock na P500 bilyon.

Dagdag pa ng kalihim, kabilang sa nakikita nilang strategic areas na paglalagakan ng pera ng MIF ang sektor ng enehiya sa bansa.

Magiging magandang oportunidad din aniya ang MIF para mabawasan ang paggamit sa ibang pondo ng pamahalaan na maaaring ilaan sa iba pang social development projects.

Ang MIF ang magsisilbing sovereign investment fund ng Pilipinas na inaasahang makatutulong upang maabot ang development goals ng bansa.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us