Pagkakaroon ng ‘dog stations’ sa mga mall, ipinapanukala sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ng isang mambabatas ang pagkakaroon ng dog stations sa mga shopping mall kung saan maaaring iwan ang mga alagang aso habang umiikot o namimili ang kanilang amo.

Sa ilalim ng House Bill 7108 ni Parañaque Representative Edwin Olivarez, oobligahin ang shopping malls na maglagay ng kahit isang dog station na siyang magbabantay at mag-aalaga sa aso habang namimili ang customer.

Maaaring singilin o pagbayarin ng management ng shopping malls ang mga may-ari na kukuha ng naturang serbisyo ng dog station.

Titiyakin naman na kwalipikadong mga tauhan ang magbabantay sa mga dog station at titingin sa kapakanan ng mga ito.

Punto ni Olivarez sa paghahain ng panukala, kada taon ay tumataas ang bilang ng mga Pilipinong nag-aalaga ng aso.

Katunayan, halos siyam na milyong kabahayan sa bansa aniya ang may alagang aso.

At dahil aniya nakagawian na ng mga Pilipino ang pamamasyal sa mall kasama ang mga alaga, makabubuti na magkaroon ng pasilidad para sa mga nais na pabantayan muna ang kanilang mga alagang aso.

“Considering the foregoing, it is just proper to start launching and supporting campaigns that aim to protect the welfare of our pets, more particularly the canines. Considering that going to the malls is one of the most common activities of Filipinos, it is but proper to mandate the management of these shopping malls to provide a facility that would temporarily look after and protect the welfare of domesticated dogs when the pet owners need to go for a little shopping,” saad ni Olivarez sa panukala. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us