Pagkakasama ng Bicol sa ‘Luzon Spine Expressway Network’, ipinagpasalamat ng isang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malaki ang pasasalamat ni Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na naisama ang Bicol Region sa “Build Better More” infrastructure program.

Sa nakaraang State of the Nation Address (SONA) ni PBBM ay nabanggit ng Pangulo ang pagsasakatuparan sa 1,200-kilometer Luzon Spine Expressway Network.

Ayon sa party-list solon, game-changer itong maituturing hindi lang sa pagpapabilis ng biyahe at transportasyon ngunit lalo na sa pag-unlad ng kanilang rehiyon.

“We have long awaited a development initiative of this magnitude that will bring our region closer to the rest of Luzon and stimulate economic growth. I am profoundly grateful to President Bongbong Marcos for recognizing the potential and importance of the Bicol Region in the national development agenda,” saad ni Co.

Sa pamamagitan ng naturang expressway ang biyahe mula Ilocos pa-Bicol ay magiging siyam na oras na lamang mula sa kasalukuyang 20 hours. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us