Pagkumpleto sa Kaliwa dam, nakikitang solusyon sa water crisis ng bansa –MWSS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na solusyon ang Kaliwa dam sa epekto ng nakaambang El Niño Phenomenon.

Sa isang Forum sa Quezon City, sinabi ni MWSS Administrator Leonor Cleofas, itinuturing nila ang Kaliwa dam na isang long term solution sa water security ng bansa.

Sinabi niya, na ngayon lang muling magtatayo ang pamahalaan ng dam mula noong 1978.

Napapanahon aniya ito sa lumalaking populasyon at demand, o pangangailangan ng inuming tubig sa Metro Manila.

Dagdag ni Cleofas, natagalan ng halos walong taon ang proyekto dahil sa malawakang pagtutol ng ilang sektor.

Gayunman, tiniyak niya na makukumpleto ang pagtatayo ng Kaliwa dam at ang phase 2 ng naturang proyekto. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us