Paglalaan ng mas mataas na pondo sa calamity funds, napapanahon na – Sen. Imee Marcos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa gitna ng naiwang pinsala ng bagyong Egay sa bansa, iginiit ni Senador Imee Marcos na dapat paglaanan na ng mas mataas na pondo ang calamity fund ng mga lokal na pamahalaan at ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Ito ang nais isulong ng mambabatas sa nalalapit na deliberasyon ng Kongreso sa panukalang 2024 national budget.

Ayon kay Marcos, sa mga nakalipas kasing taon ay laging tina-tiyani ang budget para sa calamity fund ng mga ahensya gaya ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD), at sinasabayan na lang ng dasal na huwag sanang maging matindi ang maiwang pinsala ng bagyo o iba pang kalamidad.

Mungkahi ng senador, mas mainam na kunin ang average na nagagamit para sa pagtugon sa mga kalamidad o sakuna at ito na ang ilagay sa calamity funds.

Dapat na aniyang matigil ang ginagawa na kada quarter na lang ay kailangan pang manghingi ng calamity fund ng concerned government agencies.

Dinagdag pa ni Senador Imee, na kahit pa may quick response fund (QRF) bilang dagdag sa calamity fund, ay hindi pa rin sumasapat ang pondo dahil sa titindi at mga biglaang epekto ng kalamidad na dulot na rin ng climate change.

Umapela rin ang senador, na panahon na para baguhin ang building code at building standards dahil sa lumalala at dumadalas na nararanasang extreme weather disturbance dahil sa climate change. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us