Pagpapaigting sa relasyon ng Pilipinas at China, asahan sa ikalawang taon ng Admnistrasyong Marcos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Target ng Pilipinas na patatagin pa ang matibay na relasyon nito sa China sa kabila ng umiiral na sigalot sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Philippine Ambassador to China Jaime Florcruz, bagaman inamin nito na maraming pagkakaiba ang dalawang bansa subalit hindi ito dapat maging hadlang upang maisulong ang nagkakaisang interes.

Isa aniya ang China sa mga bansang may maraming pledges pagdating sa pagpapalakas ng imprastraktura, pagtataguyod ng kalusugan, edukasyon at turismo.

Gayundin ang pagpapaunlad ng Interconnectivity, Enerhiya at Agrikultura na nakalinya sa mga adhikain ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sinabi pa ni Ambassador Florcruz na asahan pa ang mas maraming proyekto na maisasakatuparan sa tulong ng China sa mga susunod pang taon ng Administrasyong Marcos Jr| ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us