May posibilidad pa ring mapagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa mga susunod na panahon, ayon kay Senador Francis Tolentino, sa kabila ng desisyong inilabas kamakailan ng Korte Suprema tungkol sa naging postponement ng 2022 BSKE.
Ipinunto ng chairperson ng Senate Committee on Justice and Human Rights, klaro sa desisyon ng Supreme Court (SC) na ang anumang BSKE postponement sa hinaharap ay dapat na makasunod sa guideline na itinakda ng Kataas-Taasang Hukuman gaya na lang ng pagkakaroon ng public emergency, at kung kailangan ito para pangalagaan ang fundamental right ng electorate.
Basta aniya masunod ito ay hindi pinagbabawalan ang Kongreso na gumawa ng batas na magpapaliban ng halalang pang-barangay sa mga susunod na panahon.
Binigyang diin rin ni olentino na kinilala ng SC ang otoridad ng Kongreso na gumawa ng mga batas tungkol sa future ‘hold overs’ ng mga incumbent barangay at SK officials…
Taliwas aniya sa argumento ng mga petitioner, na maaari itong matawag na ‘legislative appointments’.
Samantala, sinabi ni Tolentino na nasa desisyon na ng leadership ng Senado at Kamara kung iaapela ba ang naging desisyon ng Korte
Ipinaliwanag pa ng senador, na bagamat idineklarang unconstitutional ang pagpapaliban ng 2022 BSKE ay kinilala naman ng korte ang practicality at pangangailangan na isagawa ang BSKE sa huling Lunes ng Oktubre 2023. | ulat ni Nimfa Asuncion