Pagpapaliwanag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kahalagahan ng Maharlika Investment Fund sa kanyang SONA, welcome kay Senador Mark Villar

Facebook
Twitter
LinkedIn

inagpasalamat ni Senador Mark Villar ang pagpapaliwanag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kahalagahan ng Maharlika Investment Fund (MIF) sa kanyang naging State of the Nation Address (SONA) kahapon.

Base sa naging pahayag ng pangulo, tiniyak nitong ang mga investment decisions na gagawin para sa MIF ay ibabase lang sa financial considerations at hindi sa anumang political influence.

Sa pagtitiyak aniyang ito ng presidente ay umaasa siyang mas maraming Pilipino ang susuporta sa Maharlika.

Ikinatuwa ni Villar ang pagpapaliwanag ni Pangulong Marcos na ang MIF ay magiging daan para mas mapaganda ang ekonomiya at magkaroon ng mas maraming infrastructure projects sa ilalim ng Build Better More Program.

Bilang dating DPWH secretary, pinuri rin ng senador ang pagpapatuloy ng big-ticket projects gaya ng Luzon Spine Expressway Network at Mega Bridge Program.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us