Pagpapatupad ng Emergency Cash Transfer para sa evacuees ng Mayon, pinaplantsa na ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Plano na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magpatupad ng Emergency Cash Transfer program para sa evacuees ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Albay.

Nagpulong na ang DSWD Bicol Regional Office at ibat ibang Local Social Welfare and Development Offices (LSWDO) ng mga local government units para sa implementasyon nito.

Ayon sa DSWD, sa pamamagitan ng ECT ay matutulungan ang mga evacuee na tugunan ang kanilang pangangailangan, gaya ng pagkain at gamot, bukod sa iba pa, sa panahon ng disaster response phase.

Kasama na ring pinag-usapan ng DSWD at LSWDO ang tungkol sa camp coordination at camp management, gayundin ang patuloy na protection efforts para sa evacuees.

Ang Emergency Cash Transfer ay isang adaptive strategy ng DSWD na ibinibigay sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us