Nagkasundo ang Pilipinas at Malaysia na patatagin pa ang mga ginagawang hakbang ng dalawang bansa sa pagsusulong ng kaunlaran sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa joint press statement kasama si Prime Minister Anwar Ibrahim, ipinaliwanag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na ang hakbang na ito ay bahagi ng pagpapatatag sa bilateral relations ng dalawang bansa.
Partikular aniya nilang tututukan ang Halal industry, Islamic Banking, at Food Security sa rehiyon.
“Building on our bilateral relations, our governments commit to closely coordinate efforts to build capacity in the Bangsamoro Autonomous Region in southern Philippines, in Muslim Mindanao, especially on sectors such as the Halal industry, Islamic Banking, and Food Security,” ani Pangulong Marcos.
Ayon pa sa Pangulo, bukas ang Malaysia sa pag-alok ng kanilang expertise, upang sanayin ang Philippine personnel at officials sa pagpapaigting ng kakayahan ng bansa sa mga sektor na ito.
“Malaysia has warmly offered their expertise to train Philippine personnel and officials to strengthen our capabilities in these increasingly important sectors,” dagdag pa ng Pangulo.
Samantala, ginamit rin ni Pangulong Marcos ang pagkakataon upang pasalamatan ang mga opisyal ng Malaysia sa lahat ng kanilang tulong sa Mindanao.
“I made an expression of gratitude to the Prime Minister and as well to the King earlier today, expression of gratitude for all the help that we have received from Malaysia in southern Philippines. It has been an important part of whatever success that we might enjoy today. And that has been a foothold, a further foothold for us to use to continue to develop and promote our relations between our two countries,” pahayag ni Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan