Nagkasundo ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Philippine Coast Guard (PCG) na i-enroll ang “Coast Guardians” sa mga priority-beneficiaries ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Isang memorandum of agreement ang nilagdaan na nina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at PCG Officer-in-Charge Vice Admiral Rolando Punzalan Jr. ukol dito.
Initial target ng Coast Guard personnel na maisama bilang mga benepisyaryo ng pabahay program ay hindi bababa sa 2,000.
Sinabi ni Secretary Acuzar na ang kasunduan sa PCG ay naaayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isama ang men and women in uniform sa mga prayoridad ng programa.
Sa panig ng PCG, malugod na tinanggap ni Vice Admiral Punzalan ang partnership bilang malaking tulong sa morale at welfare program ng coast guard.
Bukod sa PCG, tinitingnan din ng DHSUD ang pakikipagtulungan sa Departments of National Defense (DND) at Interior and Local Government para sa pagsasama sa pabahay program. | ulat ni Rey Ferrer