Pagsisiguro na may COC sa pagbili ng uniporme at kagamitan ng pulis, mariing ipinanawagan ni PBGen. Gallardo ng TF Bantay Bihis

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si PBGen. Robert Gallardo, Deputy Director, Directorate for Research and Development at Task Force Commander ng Bantay Bihis, na siguruhing may Certificate of Comformity o COC ang mga bilihan ng uniporme at iba pang kagamitan ng PNP sa kanyang pagbisita sa Sulu Police Provincial Office sa Camp PSSupt. Julasirim Kasim, Barangay Asturias, Jolo, Sulu kamakailan.

Binigyang diin ni Gallardo sa kanyang mensahe na dapat may COC at awtorisado ang mga pagbibilihan ng mga gamit ng kanilang hanay, dito aniya papasok ang kanilang dibisyon upang tingnan ang kalidad ng mga ito at kung komportable itong gamitin.

Dapat din piliin ani Gallardo, ang mga authorized seller na handang sumunod sa standard na inilalatag ng PNP at kanilang rekomendasyon matapos siyasatin ang produkto sa ikabubuti ng pulisya dahil maaari silang mapatawan ng parusa.

Sa ngayon, hinikayat ni Gallardo ang pulisya na suportahan ang naturang kampanya at magpahayag ng totoong saloobin upang makuha nila ang tama at angkop na report nang sa gayon ay masolusyonan ang mga hinaing ng pulis sa kanilang kagamitan at kasuotan. | ulat ni Mira Sigaring | RP1 Jolo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us