Pagsusulong ng PUV Modernization Program, nananatiling prayoridad ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling walang-patid ang Department of Transportation (DOTr) sa pagsusulong sa Public Utility Vehicle Modernization Program o PUVMP.

Ito ay matapos suportahan ng DOTr ang isinagawang Transport Forum na bahagi ng Philippine Commercial Vehicle Show 2023, ngayong araw.

Tampok sa naturang programa ang mga makabagong disenyo ng PUVs na may iba’t ibang equipment at safety features, gaya ng GPS, CCTV, libreng Wi-Fi, at side entrance.

Air-conditioned din ang modern jeepneys at may sapat na espasyo, na lubos na makapagbibigay ng ginhawa sa mga pasahero.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure James Andres Melad, isa sa mga pangunahing prayoridad ng kagawaran ang pagsusulong ng PUVMP, dahil sa pang matagalang benepisyo at oportunidad na hatid nito, hindi lamang sa mga pasahero kung hindi maging sa mga tsuper.

Dagdag pa ng opisyal, gumagawa ang DOTr kasama ang iba pang ahensya ng pamahalaan ang LTO, LTFRB, at OTC ng mga hakbang upang magpatupad ng realistic at viable timelines, para sa lahat ng aktibidad sa ilalim ng PUVMP. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us