Pagsusulong ni PBBM ng ‘Tatak Pinoy Bill,’ ikinagalak ni Senador Angara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Para kay Senate Finance Committee Chairman Sen. Sonny Angara, kayang gawin at hindi kumplikado ang wish list na inilatag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) kahapon.

Ayon kay Angara, komprehensibo at natalakay ng punong ehekutibo ang lahat ng mahahalagang isyu na kinakaharap at haharapin pa ng bansa.

Partikular na pinasalamatan ng senador ang pagbanggit ng presidente sa Tatak Pinoy Bill sa mga priority bills nito.

Sa ngayon, target ni Angara na maipresenta sa plenaryo ng Senado ang panukala bago masimulan ang deliberasyon para sa 2024 National Budget.

At sa suporta ni Pangulong Marcos sa Tatak Pinoy Bill ay tiwala siyang susuportahan rin ito ng mga kapwa niya mababatas mula sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

Maliban dito, ikinagalak rin ni Angara ang paglalabas na ni Pangulong Marcos ng COVID-19 emergency allowances para sa mga kwalipikadong health workers alinsunod sa Republic Act 11712 o ang Public Health Emergency Benefits and Allowances for Health Workers Act gayundin ang plano ng pangulo sa education sector.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us