Pagsusuot ng face mask sa SONA, magiging optional na lang

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maliban sa COVID-19 testing ay magluluwag na rin ang House of Representatives sa polisiya ng pagsusuot ng face mask sa araw ng State of the Nation Address (SONA) sa July 24.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, batay sa pulong ng SONA Interagency Committee, magiging optional na lang ang pagsusuot ng face mask.

Aniya ang mga indibidwal na may comorbidity o vulnerable ay hihikayatin na magsuot ng face mask, ngunit ang iba ay hindi na.

Una nang sinabi ni Velasco na sa araw ng SONA ay hindi na rin magiging mandatory ang antigen testing maliban na lamang sa mga kakikitaan ng sintomas ng COVID-19 at yung mga hindi pa bakunado na kailangan namang sumailalim sa RT-PCR test.

Kamakailan lamang ay inalis na rin ng Malacañang ang pagsasailalim sa COVID-19 testing sa mga bisitang papasok. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us