Pagtalaga ng bagong hepe ng Negros Oriental Provincial Police Office personal na pinangasiwaan ni DILG Sec. Abalos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Personal na bumisita si Department of Interior and Local Government Secretary Atty. Benjamin Abalos, Jr. sa mismong araw na itinalaga ang bagong hepe ng Negros Oriental Police Provincial Office.

Kasama ni Abalos si Philippine National Police deputy chief Police Lt. Gen. Michael John Dubria.

Sabado, July 8, 2023 pormal na itinalaga si NOPPO acting Provincial Director Police Colonel Ronan Claravall na pumalit kay Police Colonel Alex Recinto na nagsilbi bilang acting PD ng kapolisan sa lalawigan ng Negros Oriental mula Marso hanggang Hulyo taong kasalukuyan.

Ilang sandali matapos mailoklok ni Police Regional Office 7 Regional Director Police Brigadier General Anthony Aberin si Col. Claravall, dumating si Secretary Abalos sa Camp Francisco Fernandez Jr. sa bayan ng Sibulan upang isagawa ang isang command conference.

Sinalubong si Abalos ng bagong talagang gobernador ng Negros Oriental na si Governor Manuel “Chaco” Sagarbarria, Congressman Chiquiting Sagarbarria, at mga mayor ng component cities and municipalities ng lalawigan.

Sa kaniyang mensahe sa arrival honors sa loob ng NOPPO headquarters, muling nakiramay ang kalihim sa malagim na pagpaslang sa kanilang dating gobernador ngunit hinamon din niya ang mga NegOrense na magpatuloy sa pag-usad lalo na sa pagbangong muli ng ekonomiya at turismo ng Negros Oriental.

Ikinagalak din ni Secretary Abalos ang reports na unti-unting sumisigla nang muli ang turismo ng lalawigan.

Pinasalamatan ni Abalos ang pagtutulongan ng kapolisan, kasundalohan, at ng lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Negros Oriental. | ulat ni Jessa Agua-Ylanan | RP1 Cebu

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us