Pagtanggap ni PBBM sa resignation ng mga pulis na dawit sa iligal na droga, pinuri ng House Illegal Drugs Committee Chair

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome para kay Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers ang ginawang pagtanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa courtesy resignation ng 18 pulis na dawit sa iligal na droga.

Ayon sa Chairman ng House Committee on Illegal Drugs ipinapakita lamang nito na seryoso ang Pangulo na mapuksa ang iligal na droga at paglilinis sa hanay ng kapulisan.

“Make no mistake about it. The President’s acceptance of the resignations of the 18 senior police officers allegedly involved in illegal drug activities is a welcome move and proves the seriousness of his resolve to curb the drug menace. This is a big win in our war on drugs”, sabi ni Barbers.

Hinimok din ng kinatawan ang publiko na makipagtulungan sa pamahalaan upang tuluyan nang maresolba ang problema sa iligal na droga.

Sa panig naman ng NAPOLCOM, dapat aniya nilang paigtingin ang pag-monitor sa performance ng police officers.

Sinusuportahan din ni Barbers ang direksyon ng Pangulo na idaan sa rehabilitasyon at re-integration ang pagbabagong buhay ng mga biktima ng illegal drugs.

“We trust the President and we fully support him in his commitment to end this curse and shifting course towards rehabilitation and re-integration of people victimized by illegal drugs. His recent move is but the start of reforming our police structure by replacing scalawags with people of unquestioned credibility, integrity and competence. In this regard, I call on the NAPOLCOM to continue its constant monitoring of our police officers and their performance in order to make the wisest advice to our President,” diin ni Barbers. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us