Pagtatatag ng Kadiwa centers sa buong bansa, dapat nang gawing batas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling inihirit ng isang mambabatas na gawing isang batas ang pagtatatag ng Kadiwa centers sa buong bansa.

Ayon kay AGRI party-list Rep. Wilbert Lee, kung pagbabatayan ang datos ng Department of Agriculture (DA) ay ipinapakita ang malaking potensyal ng pagkakaroon ng Kadiwa centers sa iba’t ibang rehiyon.

Sa nakaraang SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., binanggit nitong sa mahigit pitong libong Kadiwa, 1.8 milyong mga pamilya ang nakinabang at umabot ng halosP700-milyon ang naging benta na napakinabangan ng mga magsasaka at kooperatiba.

“Patunay ito na napakalaki ng potensyal ng programang ito, at marami pang pwedeng makinabang kung palalawakin natin ang Kadiwa. Panalo ang mga magsasaka dito kasi pwede silang kumita nang maayos dahil wala nang middleman. Panalo din ang konsyumer kasi nabibili nila nang mas mura ang mga agri and fisheries products.” ani Lee.

Agosto noong nakaraang taon nang ihanin ni Lee ang House Bill 3957 o Kadiwa Agri-Food Terminal.

Dito, magtatayo ng nationwide agricultural at fisheries terminal sa buong bansa sa pakikipag-ugnayan ng Department of Agriculture at local government units.

Maaari itong sa porma ng Kadiwa Retail or Direct Selling, Kadiwa on Wheels o Kadiwa sa Pamahalaan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us