Pagtitipid ng tubig at pagtugon sa water crisis, ipinanawagan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang mga residente ng Metro Manila na magtipid ng tubig sa gitna ng patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam.

Ito lalo na aniya at inaasahang patuloy pang bababa ang lebel ng tubig sa dam, na pangunahing nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila dahil sa dry spell na dulot ng El Niño.

Nanawagan rin si Legarda sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno, na pangunahan ang mga hakbang sa pagbabawas ng epekto ng krisis sa tubig.

Pinatitiyak ng senador sa mga lokal na pamahalaan, na mayroon silang klaro at patuloy na pakikipag ugnayan sa water suppliers para mapangasiwaan ng maayos ang demand sa tubig.

Dapat aniyang humanap ng paraan para mabigyan ng insentibo ang mga tumugon sa panawagan na magtipid ng tubig para maraming sumunod.

Pinayuhan rin ni Legarda ang mga mamamayan, na samantalahin ang nararanasang malakas na pag-ulan na kadalasan tuwing hapon o gabi para makaipon ng tubig.

Mungkahi ng Senate President Pro Tempore, na maaaring umisip ng ibang paraan para makakolekta ng tubig ulan at magamit ito para sa pagdidilig ng halaman at sa mga banyo. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us