Palasyo, nag-isyu ng Memorandum Circular para sa pagtatatag ng mga LGU ng health facilities para sa kanilang constituents

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilabas ngayon ng Malacañang ang
Memorandum Circular No. 26 na nagbibigay direktiba at humihikayat sa mga LGU na gumawa ng inisyatibo para sa pagkakaroon ng health facilities para sa kanilang nasasakupan.

Sa ilalim ng inisyung Memorandum Circular, ay hinihikayat ang mga lokal na pamahalaan na gawin ang nasabing hakbang bilang pagsuporta na din sa Philippine Health Facility Development Plan 2020-2040.

Saklaw din sa inisyung Memo ang mga nasa National Government kabilang na ang mga GOCC o Government-Owned and Controlled Corporations na inaatasang magsagawa ng mga hakbangin para masuportahan ang mga gagawing inisyatibo ng LGU.

Ang Department of Health (DOH) ang bumalangkas sa Philippine Health Facility Development Plan 2020-2040 na magsisilbing overall strategy ng bansa na may kinalaman sa infrastructure and medical investment at layuning makapagbigay ng malakas na primary care at integrated health system sa bawat Pilipino.

Kaugnay nito’y inaatasan ang DOH at Department of the Interior and Local Government (DILG) na tiyaking maipatutupad ng epektibo ang PHFDP sa mga local level. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us