Pamahalaan, posibleng magkaroon ng dagdag na P96-B revenue sa loob ng isang taon kapag naisabatas ang pangongolekta ng VAT sa mga digital transaction

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posibleng makakolekta ang gobyerno ng higit P96 billion sa loob ng limang taon (2024-2028) sakaling maisabatas ang pangongolekta ng value added tax (VAT) mula sa mga digital transactions.

Ito ang binahagi ni Department of Finace (DOF) Undersecretary Dakila Napao sa pagtalakay ng Senate Committee on Ways and Means sa panukalang patawan ng VAT ang mga non-resident digital service providers.

Pinaliwanag ni Napao na ang panukalang ito ay hindi pagpapataw ng bagong buwis kundi pagpapalakas lang sa otoridad ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na mangolekta ng mga VAT sa mga digital transaction.

Sa ngayon kasi aniya, hindi malinaw sa kasalukuyang Tax Code ang pangongolekta ng VAT mula sa mga produkto at serbisyong inaalok ng mga dayuhang digital service provider.

Kabilang sa mga matatawag na foreign digital service providers ay ang Spotify at Netflix.

Kaya naman para wala nang kalituhan ay isinusulong na maisabatas ang pangongolekta sa kanila ng VAT. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us