Pamahalaan, tiniyak ang sapat, mura, at masustansyang pagkain para sa mga Pilipino para maabot ang food security sa bansa – NEDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan na magkaroon ng access ang bawat Pilipino sa sapat, mura, at masustansyang pagkain.

Sa ginanap na Post-SONA Discussions ngayong araw, sinabi ni National Economic and Development Authority o NEDA Secretary Arsenio Balisacan na iba’t ibang programa ang inilatag ng pamahalaan para matugunan ang issue sa food supply at inflation sa bansa.

Ayon kay Balisacan, nakapaloob sa Philippine Development Plan 2023 – 2028 ang mga istratehiya, programa, at prayoridad na batas para i-modernize ang sektor ng agrikultura, maabot ang food security at maayos na nutrisyon, at mapalakas ang disaster resilience ng Pilipinas.

Paliwanag pa ng kalihim, kailangan ng malawakang istratehiya upang matugunan ang mga isyu kaugnay sa local production at kung paano mailalapit ng mga produkto, lalo na sa mga mahihirap at vulnerable sector sa gitna na rin ng banta ng El Nino sa domestic supplies.

Sa naturang Post-SONA Discussions, nagpalitan ng diskurso ang Economic Development Group at nagbahagi ito ng mga intervention kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr, at mga gabinite kung paano matutugunan ang food inflation at ang epekto ng El Nino sa bansa.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us