Pamamahagi ng family food packs sa Mayon evacuees, nasa 3rd wave na — DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa ikatlong wave na ang pamamahagi ng family food packs (FFPs) sa mga pamilyang naapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon sa Albay.

Sa kanyang ulat kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, sinabi ni Bicol Regional Director Norman Laurio na sasakupin ng ikatlong wave ng food packs ang suplay ng pagkain mula July 25 hanggang August 8.

Kabuuang 33,695 FFPs ang ilalaan dito ng DSWD para sa food supply.

Pinasimulan ng Bicol Regional Office ang pamamahagi ng ikatlong wave ng food packs noong Sabado at inaasahang matatapos ngayong araw.

Pagkatapos nito, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Albay naman ang magbibigay ng rasyon ng pagkain para sa August 9 hanggang August 14. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us