Pambansang pabahay, palalawakin sa lalawigan ng Batangas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Palalawakin na rin ng Batangas Provincial government ng ang mga housing project sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) Program.

Kasunod ito ng paglagda nina Department of Human Settlements and Urban Developmen (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar at Batangas Governor Hermilando Mandanas sa isang memorandum of understanding para sa pagbuo ng township developments sa lalawigan.

Ayon kay Governor Mandanas, pangunahing makikinabang rito ang mga informal settler families (ISF) at mga naninirahan sa danger zones.

Pagtitiyak pa ng gobernador, ito na ang bahalang maglaan ng land resources para sa housing projects.

Sa kanya namang panig, tiniyak ni Secretary Acuzar na walang maiiwan sa “Pambansang Pabahay” lalo’t hangad ng pangulo na iprayoridad dito ang mga ISF at mga low-income earners. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us