Klinaro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magiging bahagi si Finance Secretary Benjamin Diokno ng Maharlika Investment Corp. (MIC) bilang ex-officio member.
Ginawa ng pangulo ang paglilinaw upang tiyakin na hindi mababahiran ng political decision ang pagpapatakbo ng Maharlika Investment Fund (MIF).
Tiniyak ng pangulo, hahawakan ng finance professionals ang kauna unahang wealth fund.
Paliwanag niya, nais niyang mahiwalay sa pulitika ang MIF kaya tinaggihan nito ang unang panukala na siya o si Sec. Diokno ang siyang magpapatakbo.
Ayon sa punong ehekutibo, nais niya na ang mangangasiwa sa MIF ay hindi ibabase o maiimpluwensyahan ng pulituka na siyang makabubuti sa sovereign wealth fund.
Sa ilalim ng Republic Act 11954 or the MIF Act, may nine-member ng MIC at ito ay pangungunahan ng Independent Director.| ulat ni Melany V. Reyes