Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Mexico sa pag-aalaga sa mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa kanilang bansa, na ngayon ay bahagi na aniya ng Mexican society.
Sa presentation of credentials ni Mexican Ambassador-designate Daniel Hernandez Joseph sa Malacañang, ibinalita ng ambassador na ang National University ay nagbukas ng oportunidad ngayong taon para sa Filipino studies.
Sabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. simula pa lamang ito ng mga bagong oportunidad, para sa pagpapalalim pa ng kaalaman at exchanges sa pagitan ng dalawang bansa.
“It’s just beginning which again like I said opens new opportunities for furthering the knowledge and exchange of each other today not only in history but who we are together and what we can do together today,” —Pangulong Marcos.
Ang diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Mexico ay napagtibay noong ika-14 ng Abril, 1953.
At base sa datos nitong February 2023, nasa 1,206 na Pilipino ang nananatili sa Mexico.
Karamihan sa mga ito ay nasa linya ng craft, kalakalan, technicians, associate profession, at iba pang industry professionals.
Simula 2020, ang total trade ng Pilipinas at Mexico ay patuloy na lumalago; at nito lamang 2022, umakyat pa ito sa $1.1 billion (US) dollars. | ulat ni Racquel Bayan