Batid ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkikita at magkaka-usap sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese Presidenti Xi Jinping, sa Beijing China, lalo at magkaibigan ang mga ito.
Ayon sa Pangulo, umaasa siyang napag-usapan ng mga ito ang issue sa West Philippine Sea (WPS) tulad ng mga insidente ng pagbuntot ng Chinese vessels sa mga Philippine Coast Guard vessel o mga mangingisdang Pilipino.
“Alam ko naman na pupunta siya. At magkaibigan sila, magkakilala sila. So I hope that napagusapan nila ‘yung mga isyu na ngayon na mga nakikita natin, ‘yung mga shadowing, ‘yung mga kung anu-ano. All of these things that we are seeing now I hope napagusapan nila para naman magakroon tayo ng progress, kasi ‘yun naman talaga ang habol natin, patuloy ang paguusap.” —Pangulong Marcos.
Ayon sa Pangulo, welcome sa kaniya ang anomang linya ng komunikasyon sa pagitan ng China at Pilipinas.
Hindi aniya mahalaga kung sino, basta’t ang mahalaga ay mayroong nakakatulong ang pamahalaan sa pakikipag-usap sa China.
Ayon kay Pangulong Marcos, kumpiyansa siyang ibabahagi ng dating pangulo ang kanilang napagusapan ni Chinese President Xi.
I welcome any new lines of communication. If that is President PRRD then good. Hindi importante sa akin kung sino, kung ano. Basta’t may makausap sila baka makatulong. I am sure that he will have a hindi naman report, I am sure he will be able to tell us what happened during their conversation and see how that affects us.” —Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan