Panukalang amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Law, agad tatrabahuin ng Kamara sa pagbabalik sesyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Una sa listahan ng mga aaksyunang panukalang batas ng Mababang Kapulungan sa pagbabalik sesyon ang amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Law.

Ito’y matapos mapabilang ang naturang panukala sa 20 LEDAC priority bills.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ang pagiging priority measure ng panukala ay pagpapakita ng commitment ng Kongreso sa hangarin ng administrasyon na makamit ang food security.

“As soon as the start of the 2nd Regular Session of the 19th Congress, we will immediately buckle down to work for the passage of the proposed amendments to the Anti-Agricultural Smuggling Act. The inclusion of this measure among the LEDAC priority legislation manifests the commitment of Congress to support Pres. Marcos’ drive against unfair business practices that hurt consumers and local farmers alike, but also derail the administration’s efforts to attain food security,” saad ni Romualdez.

Inaasahan aniya na sa pagpapatibay ng naturang panukala ay magkakaroon ng mas epektibong mekanismo para patawan ng mas mabigat na parusa ang mga sangkot sa smuggling ng agricultural products.

Una nang nagbigay direktiba si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na imbestigahan ng NBI at DOJ ang mga sangkot sa smuggling, hoarding at price fixing ng agri-products batay na rin sa naging resulta ng imbestigasyon ng Kamara sa onion cartel. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us