Panukalang legislated wage hike, may tiyansang makapasa na sa Kongreso, ayon sa isang senador

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakikita ni Senate Deputy Minority Leader Senador Risa Hontiveros na may tiyansa nang makapasa sa Senado ang panukalang P150 legislated wage hike, sa suporta ni Senate President Juan Miguel Zubiri.

Ayon kay Hontiveros, dahil mismong ang senate leader ang nagtataguyod ng panukala ay posibleng maipasa na ito ng Mataas na Kapulungan.

Ipinunto pa ng senador, na kahit sabihing tutol sa panukala ang economic team ng administrasyon ay hindi naman maikakailang ang lumalaking suporta sa Legislated Wage Hike bill ang nagtulak sa National Capital Region (NCR) wage board, na kumilos at aprubahan ang P40 pesos na dagdag sa daily minimum wage ng mga taga Metro Manila.

Ang hakbang rin aniyang ito ay maaaring makapagsimula ng trend sa iba pang mga regional wage board, na kumilos at itaas rin ang arawang sahod ng mga manggagawa sa iba pang mga rehiyon sa Pilipinas.

Maliban sa wage hike, ipinanawagan rin ni Hontiveros ang pagsisimula ng talakayan sa reporma sa wage setting sa bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us