Panukalang P150 across the board wage hike, balak amyendahan ni SP Migz Zubiri

Facebook
Twitter
LinkedIn

Balak ni Senate President Juan Miguel Zubiri na paamyendahan ang panukalang P150 across-the-borad wage hike, na una nang natalakay ng Senate Committee on Labor.

Ayon kay Zubiri, nais niyang gawing P100 na lang ang panukalang dagdag-sahod sa lahat ng mga manggagawa sa buong bansa, kasunod na rin nang pagkakaapruba ng P40 na dagdag sa daily minimum wage sa Metro Manila.

Ibinahagi rin ng senate president, na plano niyang kausapin si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para ipaliwanag ang pangangailangan ng legislated wage hike sa buong Pilipinas.

Muling nagbabala ang senador, na mauubusan ng mga eksperto ang Pilipinas kung hindi mareresolba ang problema sa pasweldo sa bansa.

Aniya, dahil sa mababang sweldo sa Pilipinas ay tila nagiging byline na ng mga Pilipino na kapag naka-graduate ay mangingibang-bansa na lang, kaya baka maubusan na tayo ng mga Pinoy expert sa sarili nating bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us